"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda" - Dr. Jose P. Rizal
Ang wikang Filipino ay isang wika na kung saan dito naging malaya ang Pilipinas laban sa mga sumasakop sa atin; Ang Kastila, Ang Hapon, at ang Amerikano.
Ang bansang Pilipinas ay watak-watak ang pulo kaya matagal naging malaya sa bansang sumakop sa Pilipinas lalu't lalo na ang Kastila sa dahilan iba't ibang wika ang ginagamit at hindi nagkakaintindihan. Ngunit ang 333 na taon na sinakop ng mga Kastila isang manunulat na Pilipino ang nagbigay liwanag at nagpukaw ng damdamin ng mga Pilipino na magkaisa at lumaban para sa bansang Pilipinas, si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda o kinikilalang DR. JOSE P. RIZAL.
Si Dr. Jose P. Rizal ay isang pambansang bayani sa Pilipinas sa dahilan hindi gumamit ng dahas ngunit sa pagsulat ng mga nobela, at tula niya ay napukaw ang diwa at damdamin ng mga Pilipino na lumaban sa mga Kastila at ipakita sa kanila ang pag-iisa sa mga Pilipino at pagkakaunawa sa isa't isa.
Ang Noli Me Tangere a El Filibusterismo ay ang dalawang nobela na naisulat ni Dr. Jose P. Rizal na kung saan pinapakita ang mga pangyayari na nararanasan ng mga Pilipino sa kapangyarihan ng mga Kastila. Dito sa nobela na ito, napukaw ang damdamin ng mga Pilipino na bawat sa kanila ay dapat magkakaisa at magkakaunawaan.
Sa dalawang nobela na naisulat ni Dr. Jose P. Rizal, ipinapakita o ipinaparating niya sa mga Pilipino ang pagkakaisa at pagkakaunawaan upang makamit ang kalayaan na nais minimithi ng mga Pilipino laban sa mga Kastila na hindi gumagamit ng dahas na maaaring ikamatay at mahalin ang rin ang sariling atin dahil dito naipapakita ang pagmamahal sa ating bansa ang pagtangkilik nito .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento